Must Read: Star Hotshots Tune-up Game Updates [vs TNT | March 16, 2017]

Discussion in 'Star Hotshots' started by hingebra, Mar 17, 2017.

  1. hingebra

    hingebra "Purefoods Lover, Ginebra Hater" LOL! Starter

    410
    114
    43
    PF
    Cavaliers
    [​IMG]

    TEAM UPDATES:



    Maganda nag inilalaro ng team natin kahit natalo sila. Di naman kasi talaga binabad yung mga players natin eh considering ang dami din absent kaya wag kayong mag-alala na kahit walang import ang TNT eh natalo tayo. Di lang talaga maganda execution ng mga players lalo na nung last quarter kung saan lamang pa tayo ng 7pts under 3mins kaso inilabas na yung import, sila lee at barroca ang natira na lang ay sila Mendoza, Dela Rosa, Tangalang, Ramos at Melton. Sige nga paano mananalo ang combination na yan. Anyway, sa tingin ko depensa pa din ang magpapanalo sa team natin. Yung scoring nila gumaganda kapag maganda ang depensa kaya yun talaga ang dapat nila pagtuunan ng pansin.



    PLAYERS UPDATES:

    1. Marc Pingris – DNP, serves as mentor kay Toni Mitchell, every timeout tinuturuan niya import natin sa posisyonan sa ilalim plus tamang pag-depensa kasi madalas matawagan ng moving pick at goal tending sya.

    2. Rafi Reavis – DNP, ganun din tinuturuan nya si Mitchell paano yung tamang pagtapik sa bola sa ibabaw ng ring after FT shot ng kalaban. Natawagan kasi siya goal tending ng tamaan nya yung net ng ring. Mataas talaga tumalon ang import na ito.

    3. Mark Barroca – still reliable as PG, pwede sya isabay kina Melton & Paul Lee. Mas maganda court vision nya at mas magaling sya humanap ng open teammates.

    4. Justin Melton – di kagandahan shooting nya dami nyang open-look sa tres pero mintis. Ang maganda lang sa kanya yung hustle at depensa nya binabawi nya sa sipag yung malas nya sa shooting.

    5. Paul Lee – sa unang tingin di mo talaga iisipin na may iniindang injury ang player na ito kasi ganun pa din naman laro nya. Ang talagang gusto ko sa kanya eh yung pagiging mautak nya sa laro kayang-kaya nya lahat ng bumabantay sa kanya pati mga bigmen ng TNT tinitirahan nya. Nagbibigay din sya ng mga pointers sa import natin.

    6. Rodney Brondial – ito napakabigat ng katawan nya sa game, medyo mabagal footwork yun ang problema sa kanya pero sa sipag at tapang makipagbanggaan ok naman sya.

    7. Cris Javier – eto parang pusang ligaw sa court di maintindihan saan ppwesto at sino papasahan. Tumira sya ng tres kapos hahahahaha…..pero nung last quarter bumawi naman siya nakaiskor din I think nakadalawang FG din sya.

    8. Rome Dela Rosa – eto naman nakikita ko sa kanya yung sipag nya lalo na sa depensa si RDO nga di makaporma sa depensa nya eh kaso makikita mo pa din na di pa sya ganun ka at ease sa team. Naiilang pa din sya sa mga kakampi nya o talagang tahimik lang sya.

    9. Aldrech Ramos – eto isa sa maganda ang inilaro, rebounds, puntos, blocks ganda ng laro nya. Sa akin di ko maramdaman pagkawala ni alex mallari sa atin kasi napupunuan naman nya yung puntos eh plus malaking tulong talaga sya kasi scoring big man sya.

    10. Samboy De Leon – DNP, pangumpleto lang sa bench hahahahaha……..

    11. Ian Sangalang – haayyyyy…..Ian, kung nagging Noble lang apelyido mo malamang maraming babae maiinlab sau…lol di ko alam sasabhin dito di ko alam kung pupurihin ko ba o mmurahin ko sya…lol. Seriously, ganun pa din laro nya no improvement. Nandun yung tapang at eagerness nya pero sadyang ang daming kulang sa laro nya. Tutukang tira mintis, sa depensa nagbubuhol buhol ang paa nya kayang kayang itulak nila RDO at Tautua. Kung natuloy lang yung trade nya kay Art Dela Cruz ok na sana eh kasi sadyang tingin ko walang ng igagaling pa ito sagad sagaran na ang laro nya kuambaga pati pato at panabla kasama na. lol

    12. PJ Simon – eto reliable pa din…and of course POGI pa din gaya ng dati! Agree weith me kat? Lol!

    13. Bryan Mendoza – ubod ng bakaw na practice player na kinain na yata lahat ng palying time ng mga players natin. He is from FEU daw kaliweteng player gwardiya…matapang na bata kahit nasusupalpal at puro kapos ang tira banat ng banat….sa end game nya sya pa din ang naglalaro eh instead na sila Paul Lee at Baroks hahahahaha….

    14. Jio Jalalon & Allein Maliksi – ABSENT!



    IMPORT UPDATES:


    First 3 FGs ni Toni Mitchell lahat dunk…lahat na yata ng klase ng dunks pinakita nya sa tuneup game. Di sya ganun ka flashy like other imports pero may WOW factor sya! Yung FT shot nya one dribble release agad wala ng arte-arte pa. Sa taas nya tumalon mapapa-wow kayo kapag kumuha sya ng rebound. Kapag sumupalpal talagang inaabot nya yung bola kaya natatawagan ng goal tending. Isa pang dapat maimprove sa kanya eh yung pick & roll play nya sa mga gwardiya natin kasi madalas sya matawagan ng moving pick. So far tingin ko sa kanya di sya yung tipo ng player na pandiinan sa huli pero pwede na kasi may scoring at depensa naman masipag din. Meron pala syang pull-up trey swak…kaso di na nasundan. Perimeter shooting wala ako gaanong nakita. ANg concern ko sa kanya yung low post move nya kasi wala syang back to the basket shot pero ok naman yung mga semi-hook nya. Sa haba ng wingspan nya mahirap na sya abutin ng mga kalaban. Ang isa pang maganda sa kanya mukhang napakabait na import nya. Lahat ng kakampi nya kinakausap at inaapiran….marunong din making at di sya mareklamong import. Tingin ko mga 40% pa lang ang nakita ko sa laro nya tingin ko may ibubuga naman sya eh kasi masipag talaga baka di lang nya sinagad game nya kasi nga tuneup game lang pero pagdating ng actual game dun yan pupukpok. Di yan paupunta ng NBA kung wala yang ibubuga!


    Pasensya na wala tayong pictures & video eh!
     
    • Like Like x 4
  2. Jaseem18

    Jaseem18 Reserve

    39
    8
    8
    nice! na-miss ko ito. salamat sa update bossing @hingebra@hingebra :2tup
     
    • Like Like x 1
  3. Mariz

    Mariz <3 Purefoods <3 All Star

    1,302
    47
    48
    Salamat sa update koya.
    Kala ko typo yung Tangalang.
    Nakakapanghinayang si Ian.
    If this confy walang nangyari sana ma trade na nga.

    Exciting ang Import ah infairness.
    Sana magblend talaga siya sa team.
     
    • Like Like x 1
  4. tabingilog

    tabingilog All Star

    736
    20
    18
    PF
    Heat
    thanks po sa update...
     
  5. baymax

    baymax Starter

    223
    27
    28
    PF
    Bulls
    Abundo kaya bakit hindi nakalaro?

    thanks sa update :tup :cap
     
  6. ralexander5895

    ralexander5895 All Star

    1,045
    7
    38
    PF
    Bulls
    Lovin' the update. Thanks. :)
     
    • Like Like x 1
  7. JM007

    JM007 Starter

    282
    30
    28
    PF
    Bulls
    Ayos ang update... Well informed kami. Salamat po
     
    • Like Like x 1
  8. exodus7

    exodus7 All Star

    529
    56
    28
    PF
    Salamat sa update bossing :) excited na talaga eh...
     
    • Like Like x 1
  9. hingebra

    hingebra "Purefoods Lover, Ginebra Hater" LOL! Starter

    410
    114
    43
    PF
    Cavaliers
    ^sorry, i forgot to put his name. ganun pa din naman sya malaki pa din ang tyan hahahahaha....naglaro naman sya kaso walang dating eh...siguro below 10mins lang at sa buong game di man lang nagulo pagkakaayos ng buhok nya. :clol


    ^yung import natin ang mas magpapadagdag excitement sa ating mga fans. grabe tumalon ang import natin. seeing the imports of other teams mukhang matatangkad at malalapad lalo na yung sa meralco at ros di man ganun kalapad import natin sigurado ako babawiin nya yan sa sipag at athleticism nya. mitchell is a team player di sya yung tipong ballhog na import at di sya yung tipong pang-diinan pag last minute pero kung gugustuhin nyang umiskor kakayanin naman nya. last time kasi alam ko very relax lang sya at talagang mas importante sa kanya yung mga pointers na bnibigay sa kanya at yung experience nya anong brand of basketball meron sa pba.
     
    • Like Like x 1
  10. Mixxie

    Mixxie ☼Lady Master Initiator☼ Mythical 5

    4,496
    327
    83
    PF
    Warriors
    • Like Like x 1
  11. Marrjoss_11

    Marrjoss_11 Solid Purefoods Fan Since 1988 Starter

    136
    12
    18
    PF
    Lakers
    nice report sir....thanks for updating us.....good luck to our team this conference sana level up tyo...sana maka finals appearance or better mag champion na tayo ulit.
     
    • Like Like x 1
  12. exodus7

    exodus7 All Star

    529
    56
    28
    PF
    Nice one sir sana Wednesday na! :)
     
  13. dealwithJM

    dealwithJM Purefoods fan since '93 Reserve

    67
    13
    8
    PF
    Thunder
    • Like Like x 1
  14. Tetsuya

    Tetsuya Phantom Sixth Man Reserve

    16
    8
    3
    PF
    Warriors
    Hello guys!

    Thank you sa update! Been reading here for a while now. Ngayon lang naisipan gumawa ng account. Good luck sa team bukas! Sana gulatin tayo sa performance ni Ka-Tonying pati na rin ng mga locals! :happy
     
    • Like Like x 1
  15. hingebra

    hingebra "Purefoods Lover, Ginebra Hater" LOL! Starter

    410
    114
    43
    PF
    Cavaliers

    ^welcome, aboard! sana maging permanenteng tambayan mo na ito :tup
     
    • Like Like x 1
  16. Tetsuya

    Tetsuya Phantom Sixth Man Reserve

    16
    8
    3
    PF
    Warriors
    Salamat @hingebra@hingebra! Nakakatuwa na active kayo dito. Mapapadalas tambay ko dito, hilig ko ring magbasa ng updates at insights nyo sa Star. :)
     
    • Like Like x 1
  17. dealwithJM

    dealwithJM Purefoods fan since '93 Reserve

    67
    13
    8
    PF
    Thunder
    @Tetsuya@Tetsuya

    welcome sa forum ka-istariray! :D tambay dito ng madalas :tup
     
    • Like Like x 1
  18. Tetsuya

    Tetsuya Phantom Sixth Man Reserve

    16
    8
    3
    PF
    Warriors
    Salamat brad! Tambay ako dito lalo na pag idle time lang sa trabaho. Looking forward to see yung mga insights ng Istarirays dito every game. :2tup
     
  19. JM007

    JM007 Starter

    282
    30
    28
    PF
    Bulls
    Welcome to forum sir...
     
  20. Marrjoss_11

    Marrjoss_11 Solid Purefoods Fan Since 1988 Starter

    136
    12
    18
    PF
    Lakers
    welcome to forum sir tetsuya.....masaya to dumadami tayo.....
     
Loading...

Share This Page

Loading...